|
||||||||
Monday Jan 27th 2025 |
|
||
Pero, totoo ba ito? Tingnan natin ang kototohanan sa pamamagitan ng dalawang halimbawa ng mga kompanyang Amerikano na kumikita nang malaki sa Tsina, at alamin kung paano nilang matamo ang napakalaking tubo.
Ang Amphenol Corporation na nakabase sa Estadong Connecticut, Amerika, ay ikalawang pinakamalaking pabrika ng mga electronic at fiber optic connector sa daigdig. Pumasok ito sa pamilihang Tsino noong 1984. Ayon sa financial report ng kompanyang ito, mula 2008 hanggang 2017, 9% ang taunang paglaki ng kabuuang halaga ng kita nito sa buong daigdig. Samantala, sa panahong ito, ang kita ng Amphenol sa Tsina ay umabot sa 2.1 bilyong Dolyares mula 560 milyon, at 16% ang taunang paglaki, na halos nagdoble kaysa bahagdan sa buong daigdig.
Bakit mas malaki ang kita ng Amphenol sa Tsina? Sa simula ng pagpasok sa Tsina, bumili ang Amphenol ng mga bahay-kalakal na Tsino at mga pabrika ng mga kompanya ng ibang bansa at rehiyon sa Tsina, para mabilis na lumaki ang kompanya. Noong 2007, narating ng Amphenol at FCI Asia Pte Ltd, isang kompanya ng Singapore at pangunahin ding pabrika ng mga high-speed connector sa pamilihang Tsino, ang kasunduan sa patent swap, at bumuo sila ng alyansa. Dahil may monopolyo ang dalawang kompanyang ito sa mga patent at standard, nahirapang magnegosyo ang iba pang mga kompanyang Tsino at dayuhan sa industriyang ito. Sa bandang huli, noong 2016, bumili ang Amphenol ng FCI, at naging kontrolado nito ang 80% ng market share sa Tsina. Sa gayon, natatamo nito ang napakalaking tubo.
Ang isa pang halimbawa ay ang General Motors Corporation (GM) ng Amerika. Mula noong taong 2000, para hikayatin ang mga kompanyang dayuhan na mamuhunan sa gitna at kanlurang bahagi ng Tsina, pinairal ng sentral na pamahalaang Tsino at mga lokal na pamahalaan ang mga preperensyal na patakaran. Sa ilalim ng background na ito, itinayo ng GM ang dalawang malaking joint venture sa Tsina, at nakakapagtamasa ang mga ito ng maraming preperensyal na patakaran, na gaya ng mababang buwis at taripa, subsidy sa pananaliksik at pagdedebelop, at iba pa.
Noong 2017, natamo ng naturang dalawang joint venture ang halos 28 bilyong yuan RMB na tubo, at kabilang dito, mahigit 13 bilyon ang pumunta sa GM. Isang bagay ang dapat malaman natin, noong taong iyon, nalugi ang GM ng halos 11 bilyong yuan sa buong daigdig. Kung walang mga kita sa Tsina, talagang bubulusok ang negosyo ng GM.
Ayon sa pagtaya, sa taong ito, may pag-asang lalampas ang Tsina sa Amerika na maging pinakamalaking pamilihan ng konsumo sa daigdig. Dahil dito, ang pamilihang Tsino ay buong sikap na gagalugarin ng mga transnasyonal na kompanya, na kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano.
Sa pangangatwiran ng pangangalaga sa interes ng Amerika, inilunsad ng administrasyon ni Trump ang digmaang pangkalakalan laban sa Tsina. Anu-ano ang magiging resultang dulot ng ganitong unilateral na aksyon sa mga kompanyang Amerikano, na nagtatamo ng malaking tubo sa Tsina? Alam na alam natin, ang digmaang pangkalakalan ay magdudulot ng lose-lose, sa halip na win-win.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |