|
||||||||
|
||
Si Wilbert Abear (ikalawa sa kaliwa), kasama ng kanyang pamilya
Inilabas kamakailan ng isang local Chinese media ang video ng mga doktor sa Taizhou Hospital, sa Taizhou, Jiangsu habang nagbibigay galang sa labi ni Wilbert Abear, isang Pilipino na namatay dahil sa cerebral hemorrhage nitong Hulyo 17, 2018.
Sa kahilingan ng kaniyang pamilya, ibinigay ang mga kidney, liver, puso at cornea ni Abear. Anim na pasyente ang naging transplant recipients ni Abear.
Nagbibigay-galang ang mga doktor sa labi ni Abear
Si Wilbert Abear ay nagtatrabaho bilang Senior Test Engineer sa Littelfuse at 18 taong nang naninirahan sa Tsina. Aktibong miyembro ng Wuxi Catholic Community at isang gitarista sa simbahan, si Abear ay may asawang Tsino at may dalawang anak na babae. Ayon sa pahayag ng isang malapit na kaibigan, nagmamaneho si Abear nang atakihin, natagpuan siya ng mga rumispunding pulis na walang malay noong Hulyo 6.
Ulat: Mac Ramos
Web editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |