Sinabi kahapon, Huwebes, ika-19 ng Hulyo 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na matagumpay ang katatapos na ika-7 Trade Policy Review ng World Trade Organization (WTO) sa Tsina.
Ani Gao, ang kasalukuyang policy review ay pinag-ukulan ng malaking pansin ng mga kasapi ng WTO. Sa pulong ng pagsusuri, nagtalumpati ang mga kinatawan ng 70 kasapi ng WTO, at ang bilang na ito ay pinakamalaki sa kasaysayan ng organisasyong ito, dagdag ni Gao.
Ayon kay Gao, binigyan ng karamihan sa mga kasapi ng mataas na pagtasa ang mga isinagawang patakarang pangkalakalan ng Tsina at mga natamong bunga ng bansa sa pag-unlad. Positibo rin sila sa buong taimtim na pagpapatupad ng Tsina ng mga obligasyon bilang kasapi ng WTO, na gaya ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas at pagpapasulong ng malayang kalakalan.
Salin: Liu Kai