|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, dahil sa mga pagbabago sa kalagayan sa loob at labas ng bansa, malakas ang hangarin ng mga bansang Aprikano para lumahok sa BRI. Una, dahil sa mga suliraning panloob, binawasan ng Europa at Amerika ang tulong sa Aprika. Ikalawa, sa panahon ng transisyong pangkabuhayan, kinakailangan ng mga bansang Aprikano ang mga maunlad na teknolohiya at mas maraming pagkakataon ng hanapbuhay. At ikatlo, kinakaharap ng mga bansang Aprikano ang kahirapan sa pagpapasulong ng industrialisasyon, at itinuturing nila ang kooperasyon ng BRI na magandang oportunidad para lutasin ang kahirapang ito.
Bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga bansang Aprikano, itinakda ng Tsina at mga bansang ito ang sampung malaking planong pangkooperasyon sa ilalim ng BRI, at nakalakip dito ang hinggil sa konstruksyon ng imprastruktura, paglilipat ng mga maunlad na teknolohiya sa imprastruktura, pagpapasulong sa industrialisasyon, at iba pa.
Natupad na rin ang ilang proyekto ng BRI sa Aprika. Halimbawa, naisasaoperasyon na ang Addisababa-Djibouti Railway at Mombasa-Nairobi Railway na naitayo sa ilalim ng tulong ng Tsina. Samantala, sa kasalukuyang biyahe ni Pangulong Xi, nilagdaan din ang mga kasunduan sa kooperasyon ng BRI sa pagitan ng Tsina at Senegal, at Tsina at Rwanda.
Nananalig ang mga tao, na kasunod ng pagsasagawa ng mas maraming proyekto ng BRI sa mga bansang Aprikano, maidudulot ang bagong kalagayan sa pag-unlad sa buong Aprika.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |