Nagtagpo Hulyo 23, 2018, sa Kigali, Rwanda, sina Xi Jinping, pangulo ng Tsina at kanyang counterpart ng Rwanda, Paul Kagame. Positibong pinahalagahan nila ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at sinang-ayunan nilang magkasamang pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para matamo ang mas maraming bunga.
Binigyan-diin ni Xi na dapat matatag na kumatig ang dalawang bansa sa mga sariling piniling landas ng pag-unlad, at patuloy na maunawaan ang mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at pangunahing pagkabahala sa isa't isa. Malugad na tinatanggap ng Tsina ang paglahok ng Rwanda sa mga pandaigdigang kooperasyon ng Belt at Road Initiative.
Pinapurihan ni Kagame ang Tsina ang pagiging tunay at laging maaasahang kaibigan ng Aprika. Bilang kasalukuyang tagapangulo ng African Union (AU), pinasalamatan niya ang pagkatig at pagtulong ng Tsina sa pag-unlad ng Aprika.
salin:Lele