Iniutos Hulyo 23, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na simulan ang imbestigasyon hinggil sa kaso ng ilegal na paggawa ng mga bakuna ng Changchun Changsheng Life Sciences Limited (Changchun Changsheng), at hiniling na patawan ng mabigat na parusa ang mga may pananagutan. Inilarawan ni Xi ang pangyayaring ito bilang "karumaldumal at nakapang hihilakbot."
Hiniling din ni Premiyer Li Keqiang sa State Council ng Tsina na agarang ipadala ang grupo ng imbestigasyon sa nasabing kompanya ng bakuna.
salin:Lele