Sa regular na press conference Hulyo 24, 2018, dito sa Beijing ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kahandaang pangalagaan, kasama ng Pilipinas, ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea (SCS).
Sinabi ni Geng na ang pagkakaibigan ay tanging tumpak na pagpiling angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at dapat itong maging tamang direksyong laging tatahakin ng dalawang panig.
Aniya, simula nang manungkulan si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas, napapanatili ng Tsina at Pilipinas ang mabisang pagpapalitan hinggil sa isyu ng SCS. Aniya, nakahanda ang Tsina na patuloy na maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, gawing pokus ang pragmatikong kooperasyon, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng SCS. Magkasamang itatatag ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas ang mga alituntunin ng rehiyon, at nang sa gayo'y, pasulungin ang patuloy na pagsulong ng pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) ng South China Sea, dagdag pa niya.
salin:Lele