Nagtagpo Hulyo 24, 2018 sa Pretoria, Timog Aprika sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at kanyang counterpart na Timog Aprikano, Cyril Ramaphosa. Narating nila ang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng comprehensive strategic partnership sa bagong panahon.
Sumang-ayon ang mga lider na patuloy na palakasin ang pagpapalitan sa mataas na lebel, palalimin ang mutuwal na pagtitiwalaang pulitikal, iugnay ang mga patakarang pangkaunlaran, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at pahigpitin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at nang sa gayo'y, matatamo ang mas maraming bunga ng bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele