|
||||||||
|
||
Ayon sa salaysay, hanggang sa kasalukuyan, kinumpirma ng mahigit 130 bansa at rehiyon, at mahigit 2800 bahay-kalakal ang paglahok sa kauna-unahang CIIE. Tinatayang lalampas sa 150 libo ang bilang ng mga mamimili na tatangkilik sa ekspo.
Ang Tsina ay malaking pamilihan ng konsumo at pamumuhunan na may halos 1.4 bilyong populasyon. Ito ay pangunahing dahilan kung bakit nagiging malaking pang-akit ang naturang ekspo. Samantala, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, napapatupad ng pamahalaang Tsino ang pangako nito sa pagkatig sa malayang kalakalan at madaling pamumuhunan, at ibayo pa ring pinasusulong ang pagbubukas sa labas. Para sa mga negosyanteng gustong palawakin ang negosyo at dagdagan ang tubo, magkakaroon sila ng magandang pagkakataon sa Tsina, na mahirap na makikita sa ibang lugar ng daigdig.
Ayon sa planong ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa taunang pulong ng World Economic Forum noong isang taon, mula taong 2017 hanggang 2021, aangkatin ng Tsina ang 8-trilyong Dolyares na mga paninda, hihikayatin ang 600 bilyong Dolyares na puhunang dayuhan, mamumuhunan ng 750 bilyong Dolyares sa labas ng Tsina, at lalampas din sa 700 milyong person time ang mga turistang Tsino sa ibang bansa.
Dahil dito, ang CIIE ay magiging isa sa mga plataporma para sa direktang pagpasok ng mga negosyanteng dayuhan sa pamilihan ng konsumo ng Tsina. Ang Tsina rin ay magiging pamilihan para sa mga mamumuhunang dayuhan, na hindi dapat mawala.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |