Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-30 ng Hulyo 2018, ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission ng Tsina, na noong unang hati ng taong ito, maganda ang takbo ng mga central enterprise o bahay-kalakal na ari ng estado na nasa ilalim ng superbisyon at administrasyon ng pamahalaang sentral ng bansa.
Ayon sa estadistikang inilabas ng naturang komisyon, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 13.7 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kita ng nabanggit na mga bahay-kalakal, at lumaki ito ng 10.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang kabuuang halaga ng tubo naman ay halos 890 bilyong yuan RMB, at lumaki ng 23%. Samantala, patuloy na bumaba rin ang karaniwang asset-liability rate ng naturang mga bahay-kalakal.
Ayon pa rin sa naturang komisyon, noong unang hati ng taong ito, pinabuti ng nabanggit na mga bahay-kalakal ang paglalaan sa mga aspekto ng teknolohiya, yamang-tao, at pondo. At sa gayon, natamo nila ang bunga sa pagsasagawa ng supply-side structural reform at pagpapasulong sa de-kalidad na kaunlaran.
Salin: Liu Kai