|
||||||||
|
||
Sa katotohanan, ang umano'y "manipulasyon ng Tsina sa exchange rate" ay gastadong salita ng Amerika. Wala itong obdiyektibong batayan, at taliwas din sa katotohanan ng isinasagawang reporma ng Tsina para sa pagsasapamilihan ng exchange rate ng RMB.
Bilang tugon, sinabi minsan naman ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagsuplay at pangangailangan ng pamilihan ay pangunahing elementong nagpapasiya ng exchange rate ng RMB, at makikita ang kapwa pagtaas at pagbaba ng exchange rate. Dagdag niya, hinding hindi sasadyaing pababain ng Tsina ang exchange rate, para pasiglahin ang pagluluwas.
Sapul noong Abril ng taong ito, bumababa ang exchange rate ng RMB kontra sa Dolyar ng Amerika. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga ekonomista, na dalawa ang mga pangunahing dahilan. Isa anila ay mga elementong kawalang-katatagan, na dulot ng isinasagawang trade protectionism ng administrasyon ni Donald Trump, at isa pa ay mabilis na pagtaas ng exchange rate ng Dolyar sa pandaigdig na pamilihan ng foreign exchange, dahil sa mga patakarang pinansyal ng Amerika. Tinukoy din ng mga ekonomista, na ang kasalukuyang kalagayan ay mabuti ngang patunay na ang pagbabago ng exchage rate ng RMB ay depende sa pamilihan, sa halip na panghihimasok ng pamahalaang Tsino.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |