|
||||||||
|
||
IPINARATING ng Department of Foreign Affairs ang pakikisamay sa pamilya ng isang manggagawang Filipino na sinasabing nagpatiwakal sa Saudi Arabia kahapon ng umaga.
Sa isang pahayag na inilbas ng Department of Foreign Affairs kagabi, ipinaabot ni Secretary Alan Peter S. Cayetano ang kanyang pakikiramay sa naulila ng isang furniture-maker na natagpuang nakabitin sa ilalim ng hagdan sa kanilang tinitirhan sa Madinah.
Isang kapwa manggagawang mula sa India ang nakatagpo sa labi ng biktima kahapon ng umaga at nag-ulat na ang kasamang Filipino sa trabaho sa Consulada ng Pilipinas sa Jeddah. Nakikipagbalitaan pa ang tanggapan sa pamilya ng naulila na nasa Pangasinan.
Hindi kinilala ang biktima. Pangalawa na itong pangyayari sapagkat may isang kasambahay na nagpatiwakal umano noong nakalipas na Abril. Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.
Halos isang milyong Filipino ang nasa Saudi Arabia at may 250,000 ang na sa kanlurang bahagi ng Kaharian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |