|
||||||||
|
||
NILIWANAG ng Malacanang na wala silang kinalaman sa paglalabas na warrants of arrest laban kina National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza at tatlong dating party-list lawmakers.
Sinabi ng Gabriela, ang partidong pinaglingkuran ni Secretary Maza na ang pamahalaan ni Pangulong Duterte ay nagpapatuloy sa panggigipit at pagpapasakit sa mga sinasabing oposisyon tulad ni dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Ipinagsakdal sina Bb. Maza, Mariano at dating Bayan Muna Congressmen Satur Ocampo at Teddy Casino sa Palayan City Regional Trial Court Branch 40 sa Nueva Ecija sa pagdukot at pagpatay sa isang Danilo Felipe noong 2001, Jimmy Peralta noong 2003 at Carlito Bayudang noong 2004.
Mga tagasunod umano ng Akbayan ang tatlong napaslang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang warrant of arrest ay mula sa hukuman at 'di sa Malacanang. Wala umanong poder ang ehekutibo na maglabas ng warrants of arrest.
Obligasyon ng ehekutibo na magpatupad ng batas. Hiniling ni G. Roque kay Bb. Maza na sumuko upang matunayang wala siyang kasalanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |