Ipinatawag kahapon, Martes, ika-31 ng Hulyo 2018, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pulong ng Komite Sentral ng partido, para pag-aralan ang gawaing pangkabuhayan ng bansa sa huling hati ng taong ito.
Iniharap sa pulong, na sa kasalukuyan, matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino, pero umiiral ang mga elementong kawalang-katatagan, na gaya ng mga bagong hamon at pagbabago sa kalagayan sa labas ng bansa. Sa ilalim ng kalagayang ito, dapat panatilihin ang katatagan sa iba't ibang aspekto ng takbo ng kabuhayan, na gaya ng hanapbuhay, pinansyo, kalakalang panlabas, paghihikayat ng puhunang dayuhan, pamumuhunan, at prospek ng kabuhayan, ayon pa rin sa pulong.
Iniharap din sa pulong ang kahilingan, na dapat buong husay na ipatupad ang mga inilabas na hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at pagpapaluwag ng market access. Dapat din patuloy na ilabas ang mga bagong hakbangin sa naturang mga aspekto, dagdag pa sa pulong.
Salin: Liu Kai