Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni Ye Htun, political commentator ng Myanmar, na sa panahon ng paglulunsad ng Estados Unidos ng trade war at pagsasagawa ng proteksyonismo, dapat malaman ang kahalagahan ng Belt and Road Initiative, at bigyang-diin ang kooperasyong pandaigdig.
Aniya, layon ng nasabing inisyatiba na isakatuparan ang komong kaunlaran ng kabuhayan ng mga bansa't rehiyon sa kahabaan, at pasulungin ang malalimang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan, sa pamamagitan ng konektibidad. Ipinalalagay niyang sa harap ng globalisasyon at proteksyonismong pangkalakalan, matatag na uunlad ang kabuhayan, sa pamamagitan ng mahigpit na kooperasyon lamang.
Mapapasulong ng Belt and Road Initiative ang konstruksyon ng imprastruktura ng iba't ibang bansa ng buong mundo, at mapapahigpit ang pagpapalitan't pagtutulungang pangkabuhaya't pangkultura ng mga bansa, dagdag pa niya.
Salin: Vera