Noong 2005, pinapasok ng Rehiyong Wanzhou ng Lunsod Chongqing ang Rose Orange, isang uri ng kahel na kulay at amoy rosas. Pagkaraan ng mahigit 10 taong pag-unlad, nasa 8,000 ektarya na ang buong saklaw ng taniman ng mga Rose Orange. Bukod diyan, mayroon ding mahigit na 40 bahay-kalakal na nagnenegosyo nito, at may kabuuang halaga ng kalakalan na umaabot sa 200 milyong RMB. Ipinahayag ng lokal na opisyal na ang pag-unlad ng industriya ng Orange Rose ay hindi lamang nagdulot ng paglaki ng kita ng mga mamamayan, kundi, nagpabuti rin ng kapaligiran sa Rehiyong Wanzhou.