|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Biyernes, ika-3 ng Agosto 2018, sa Barangay Casisang, Malaybalay, lalawigang Bukidnon, ang pasinaya ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center, na itinayo sa pamamagitan ng pondong ibinigay ng mga negosyanteng Tsino.
Dumalo sa seremonya sina Pangulong Rodrigo Duterte; Tan Qingsheng, Minister Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas; Jose Koh, tagapagtatag ng Friends of Philippines Foundation; at mga iba pang opsiyal na Pilipino.
Sa preskon bago ang pasinaya, ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pasasalamat ng pamahalaang Pilipino sa malaking pagkatig ng pamahalaang Tsino sa kilusan ng Pilipinas laban sa ilegal na droga, at malaking ambag ng Friends of Philippines Foundation sa aspektong ito. Dagdag niya, sa pamumuno nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pumasok na sa pinakamabuting panahon ang relasyong Pilipino-Sino, at gaganda pa ang relasyong ito.
Ang Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center ay itinayo sa pamamagitan ng 700 milyong Peso na ibinigay ng Friends of Philippines Foundation, na binuo ng mga negosyanteng Tsinong may negosyo sa Pilipinas. 120 libong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng sentrong ito, at sabay-sabay itong magbibigay-lunas sa 600 hanggang 800 drug-dependent patient. Mayroon ding training facility sa loob ng sentro, para magbigay ng bokasyonal na pagsasanay sa mga may-sakit.
Pagkaraan ng pasinaya, inilipat ang sentrong ito sa Kagawaran ng Kalusugan para patakbuin.
Ulat at larawan: Sissi Wang
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |