Kaugnay ng paglalagay kamakailan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ng 44 na bahay-kalakal na Tsino sa Entity List ng Export Administration Regulations, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-3 ng Agosto 2018, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang pagtutol ng kanyang bansa sa aksyong ito ng panig Amerikano ng pagpapataw ng unilateral na sangsyon sa panig Tsino.
Dagdag ng naturang tagapagsalita, hinihimok ng Tsina ang Amerika, na isagawa ang mga aktuwal na hakbangin, para paluwagin ang restriksyon sa pagluluwas sa Tsina, pangalagaan at pasulungin ang kalakalan at kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa aspekto ng hay-tek, at igarantiya ang mga lehitimong interes ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai