Idinaos ngayong araw, Sabado, ika-4 ng Agosto 2018, sa Singapore, ang Ika-8 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit (EAS).
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang isang estratehikong porum na pinamumunuan ng mga lider ng iba't ibang bansa, nagbigay na ang EAS ng positibong ambag sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong ito. Iniharap din niya ang ilang prinsipyo hinggil sa pag-unlad ng EAS sa hinaharap, na gaya ng pagbibigay-pokus sa mga suliranin sa Silangang Asya, pagbuo ng rehiyonal na balangkas na panseguridad bilang paggarantiya sa pag-unlad ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito, at pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon.
Salin: Liu Kai