|
||||||||
|
||
Ang kasong ito ay masasabing unang biktima sa pandaigdig na aspekto, na dulot ng digmaang pangkalakalan na isinasagawa ng adminstrasyon ni Donald Trump laban sa ilang bansa. Pagkaraang patawan ng pamahalaang Amerikano ng karagdagang taripa ang mga produkto ng asero at aluminum mula sa ilang bansa, tumaas ang presyo ng mga piyesa ng kotse na binibili ng BMW mula sa pamilihang pandaigdig. Samantala, sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, bilang tugon sa pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino, pinatawan naman ng Tsina ng 25% karagdagang taripa ang orihinal na 15% na taripa sa mga aangkating kotse na ginawa sa Amerika. Dahil dito, tataas sa pamilihang Tsino ang presyo ng mga kotse ng mga kompanya ng iba't ibang bansa na ginawa sa Amerika, at siyempre, makakaapekto ito sa bilang ng pagbebenta.
Sa digmaang pangkalakalan na inilunsad ng administrasyon ni Trump, ang mga apektadong bagay ay hindi lamang pakinabang ng mga kompanya ng kotse. Bumalik tayo sa nabanggit na kaso ng BMW. Nagkaroon ang kompanyang ito ng isang malaking pabrika ng kotse sa Spartanburg, Estado ng South Carolina ng Amerika, at ang bilang ng mga lokal na manggagawa doon ay mga 9 na libo. Ang pabrikang ito ay pinakamalaking pabrika ng BMW sa buong daigdig, at ito rin ay may pinakamalaking bolyum ng pagluluwas ng kotse kung ihahambing sa lahat ng mga pabrika ng kotse sa Amerika. Sa harap ng posibleng pagtaas pa ng gastos sa produksyon, ipinahayag minsan ng BMW, na isasaalang-alang nitong bawasan ang saklaw ng pamumuhunan at produksyon sa Spartanburg. Ibig sabihin, posibleng mawawalan ng trabaho ang marami sa nabanggit na 9 na libong manggagawang Amerikano sa pabrika ng BMW.
Hindi natin alam kung nakini-kinita ni Trump ang mga negatibong epekto sa industriya ng kotse ng daigdig at kinabukasan ng mga manggagawang Amerikano, bago niya inilunsad ang mga digmaang pangkalakalan. Ang pinahahalagahan natin ay kung gusto niyang gawin ang mga hakbangin para alisin ang mga epektong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |