Ang Hankou hydrological station ay itinatag noong Enero ng taong 1865. Ito ang isa sa mga pinakamatandang hydrological station sa mga purok na may ilog Yangtze, na kilala rin sa tawag na "sentinel ng ilog Yangtze." Ang namamahalang tauhan ng Hankou hydrological station ay si Luo Xing, isang batang lalaki kabilang sa "after 80s generation." Bilang namamahalang tauhan ng "sentinel ng ilong Yangtze", sinabi niya na ito ay hindi lamang karangalan, kundi isa ring responsibilidad. Sa hinaharap, tiyak na magsisikap siya para ipagkaloob ang mas mabuting serbisyo para sa publiko.