Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, nilagdaan na ang batas sa National ID, Bangsamoro Organic Law, ibinigay kay MILF Chair Ebrahim

(GMT+08:00) 2018-08-07 19:16:02       CRI

PANGULONG DUTERTE, IPINAGKALOOB ANG SIPI NG BANGSAMORO ORGANIC LAW SA MILF. Makikitang tinatanggap ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang Siri ng Bangsamoro Organic Law mula kay Pangulong Duterte samantalang nakamasid si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. (Kuha mula sa PTV 4 Live Broadcast)

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapatupad ng iisang pambansang identification card. Binigyan na rin niya ng sipi ng Bangsamoro Organic Law si Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa magkasabay na okasyon sa Palasyo Malacanan kanina.

Ani Pangulong Duterte, kapwa mahalaga ang mga batas na ito sapagkat magdudulot ito ng kapayapaan na siya ring titiyak sa paghahatid ng kaukulang government services sa mga mamamayan.

Sa paglagda niya sa Bangsamoro Organic Law may sampung araw na ang nakalilipas, umaasa siyang matatapos na rin ang kaguluhan sa mga pook na kinalalagyan ng mga Bangsamoro.

Kinilala at pinasalamatan ni Pangulong Duterte sina dating Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez at ang kasalukuyang pangulo ng senado na si Senador Vicente Sotto III at House Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkilos upang maipasa ang mga panukalang batas kahit pa hati ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Transition Commission, ang Moro Islamic Liberation Front at ang Moro National Liberation Front sa kanilang pagsusulong at katapatan upang maipasa ang Bangsamoro Organic Law.

Nanawagan siya sa mga Bangsamoro, sa mga katutubo at mga Kristiyanong naninirahan sa nasasakupang lupain ng mga Bangsamoro na aktibong lumahok sa talakayan sa kanilang mga tahanan, mga barangay at maging sa kanilang mga komunidad.

Nanawgan din siya sa mga naninirahan sa masasakupan ng Bangsamoro Organic Law na lumahok sa gagawing plebesito upang mabatid ang tunay na pananaw ng mga mamamayan samantalang nagpapatuloy ang paghilom at pagsasama-sama ng mga mamamayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>