TINIYAK ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque makapapasa sa Saligang Batas ang Philippine Identification System Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isang ganap na batas.
Sa isang press briefing, sinabi ni Secretary Roque, malayo ang pagkakaiba ng National ID Bill na deklaradong ng Korte Suprema dahilan sa kawalan ng sistema upang ipagtanggol ang database. Makalulusot ang bagong ID system sa lahat ng mga rekesitos ng Saligang Batas.
Mayroon pa rin umanong privacy law upang mapangalagaan ang database at magkakaroon ng obligasyon ang pamahalaan na pangalagaan ang bagong Sistema. Magkakaroon umano ng promosyon ng national security sapagkat mayroong database ng lahat ng mga Filipino. Maiiwasan din ang identity theft na problema ng nakararami. Madadali ang paglilingkod ng pamahalaan sa mga mamamayan.