|
||||||||
|
||
IPINAGTATANONG ng dalawang mambabatas kung bakit humihiling ng P 90 milyon ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa information campaign para sa federalism.
Nagtatanong si Senador Francis Escudero kung bakit kailangan ng paglalaan ng salapi para sa federalism program na hindi pa naman nakakapasa sa Senado. Ani Senador Escudero, hindi pa naipapasa kaya't hindi kailangan ang pagkakaroon ng information campaign. Isang panukalang saligang batas pa lamang na pagdedebatehan sa House of Representatives. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na budget hearing sa Senado kanina.
Nagtanong din ang senador kung saan kukunin ang salapi samantalang hindi nababanggit sa panukalang budget ng pamahalaan para sa taong 2019.
Nakagugulo umano ang panukalang ito, ayon naman kay Senador Loren Legarda. Marami umanong bersyon ng federalism kaya't mahirap bigyan ng pondo kung aling bersyon ang ikakampanya ng PCOO.
Inamin din ni Finance Secretary Carlos Dominguez na naguguluhan din siya sa mga lumalabas na bersyon subalit natutuwa siyang pinag-uusapan na ito ng mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |