|
||||||||
|
||
HINILING ng Department of Budget and Management sa Kongreso na ipasa ang halos P 36.5 bilyon para sa unconditional cash transfers na napapaloob sa panukalang National Budget sa taong 2019.
Ito ang pinakamalaking programa sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Layunin nitong maglaan ng salapi sa mga tahanang hindi makikinabang sa pagbabawas ng buwis na apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Napapaloob sa halagang ito ang P 300 bawat buwan na ibibigay ng minsahan para sa buong taon na nagkakahalaga ng P3,600 sa may 10 milyong mahihirap na pamilya sa buong bansa dahil sa tumataas na presyo ng bilihin.
Nakatakdang tumanggap ng halagang ito ang mga nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), tumatanggap ng Social Pension Program sa ilalim ng Senior Citizens Act at mahihirap na pamilyang kinilala ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction na kilala rin sa pangalang Listahanan.
Pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development ang cash transfers at nagbabalak na mamahagi ng P 3,600 sa bawat tahanan sa milyong mahihirap na pamilya sa Hunyo ng 2019. Mas maaga ito sa inaasahang pagtatapos ng unconditional cash transfers na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Setyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |