|
||||||||
|
||
NAGDESISYON ang Sandiganbayan na ang tinatayang P 74 bilyong assets ng Coconut Industry Investment Fund ay pag-aari ng pamahalaan at nararapat ipamahagi sa mga magsasaka ng niyog.
Napapaloob sa isang resolusyong may petsang ikapito ng Agosto, sinabi ng Second Division ng Sandiganbayan na nagpapawalang-saysay sa naunang desisyon noong nakalipas na taon na nagsabing kailangan pa ng dagdag na pagdinig sa kasong sibil ng United Coconut Planters Bank at Coconut Planters Life Assurance Corporation sa pagsangayon sa motion for reconsideration ng pamahalaan.
Noong 2014, sinabi ng Korte Suprema sa sang-ayon sila sa desisyon ng Sandiganbayan na naggagawad ng pag-aari sa coconut levy funds sa pamahalaan.
Unang nag-utos ang Sandiganbayan sa pamamagitan ng writ of partial execution na nag-aatas na ang kahat ng kinita ng may 20 kumpanya ng CIIF at ng 753 milyong preferred shares ng San Miguel Corporation upang magamit ng coconut industry.
Na sa pag-iingat na ng Ingatyaman ng pamahalaan ang P 74 bilyong coconut levy funds subalit sinabi ng Presidential Commission on Good Government na mayroon pang bilyun-bilyong pisong hindi pa nababawi. Bagama't wala nang hahadlang sa pamamahagi ng coconut levy funds para sa mga magsasaka, kailangan pang magkaroon ng batas upang makabuo ng isang trust fund para sa mga magniniyog.
Pasado na sa bicameral conference committee ang isang panukalang batas na naglalaan ng P 100 bilyong coconut levy trust fund na magagamit sa loob ng 25 taon upang pakinabangan ng may 3.5 milyong magniniyog sa bansa. Ang salapi ay ibibili ng Treasury bills at pangangasiwaan ng Philippine Coconut Authority.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |