Ang lawa ng Caizi ay nasa lunsod Anqing ng lalawigang Anhui ng Tsina. Sa Anqing, may malaking wetland reserve. Sa loob ng wetland reseve, namumuhay ng 73 uri ng rare na mga ibon. Si Ginoong Wang Sanyi ay taga-Anqing. Nitong ilang taon, nagsisikap siya, kasama ng ilang organisasyon at lokal na pamahaaln, para sa mga gawain ng pangangalaga ng mga ibon at pagpapabuti ng kapaligiran ng wetland. Ngayon, naging napakabuti ng wetland sa loob ng lunsod Anqing, at mula noong 2015, idinadaos ang "Pestibal ng mga Ibon" bawat taon, na umakit ng maraming tao mula sa iba't ibang lugar ng buong bansa.