|
||||||||
|
||
Kamakailan, lumabas ang ilang ulat kaugnay ng pagsusuri ng United Nations Committee on the Elimination of Racial Discrimination (UNCERD) sa kalagayan ng pagpapatupad ng Tsina sa International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination (ICERD) , binatikos ng ilang mediang dayuhan sa aksyon at hakbangin ng Tsina sa paglaban sa terorismo at kriminalidad sa Xinjiang Uygur Autonomous Region.
Hinggil dito, sinabi ni Lu Kang, Tagapagsalita Ministring Panlabas ng Tsina na, noong ika-10 at ika-13 ng buwang ito, sa Geneva, sinuri ng UNCERD ang kalagayan ng pagpapatupad ng Tsina sa ICERD. Isinalaysay ng delegasyong Tsino ang bagong proseso ng Tsina sa larangan ng pangangalaga sa karapatan ng mga pambansang minorya, at pinapurihan ng UNCERD ang pagsisikap at bunga ng Tsina.
Sinabi ni Lu na isinagawa ng ilang puwersang kontra-Tsino ang di-makatotohanang pagbatikos sa Tsina dahil sa ilang layuning pulitikal, ito ay maituturing na paninira sa Tsina at may motibong pulitikal sila.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |