|
||||||||
|
||
NANINIWALA si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na hindi siya sang-ayong ibalik pa ang P 60 milyong ibinayad ng PTV 4 sa Bitag Media Unlimited na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Bel Tulfo para sa mga patalastas ng kanyang tanggapan.
Ito ang sinabi ng dating kalihim ng Turismo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senador Richard Gordon kanina. Nagawa na umano ang nararapat gawin ng Bitag Media Unlimited kaya hindi na ito maibabalik pa. Inamin din ng dating kalihim na ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ang nagtanong sa kanyang kung handa bang ibalik ng kapatid ng kalihim ang halaga.
Bahala na umano ang PTV 4 at ang kanyang kapatid kung ibabalik pa ang halaga.
Ayon naman sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo, hindi na niya maibabalik ang salapi sapagkat nagawa na nila ang nilalaman ng kanilang kontrata. Wala umano silang ginawang labag sa batas.
Magugunitang si Atty. Topacio ang nagsabing handang ibalik ng mga Tulfo ang halaga sa kaban ng bayan.
Niliwanag ni Ben Tulfo na walang pagsasabwatan sa kanilang magkakapatid sapagkat may sarili silang buhay.
Sa kanyang panimulang pananalita, sinabi ng dating kalihim ng Turismo na ang kontratang nagkakahalaga ng P 60 milyon sa pagitan ng Department of Tourism at PTV 4 ay walang nilabag na batas.
Sinabi naman ni Dino Antonio Apolonio, pangulo ng PTV 4 na sinabi na ng Kilos Pronto sa draft ng kanilang kontrata noong unang matanggap ang salapi mula sa Department of Tourism.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |