|
||||||||
|
||
NAGBAKASYON si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino kahit pa tinanggihan ng kanyang ahensya na may kinalaman sila sa kontrobersyal na pagpupuslit umano ng halos pitong bilyong pisong halaga ng shabu papasok sa bansa.
Wala umano siya sa bansa at kasama ang kanyang pamilya at nagbabakasyon upang dumalo rin sa isang class reunion sa Estados Unidos. Nakatakda silang bumalik sa bansa sa Miyerkoles, ika-29 ng Agosto.
Aprobado umano ng Malacanang ang kanyang bakasyon may anim na buwan na ang nakalilipas bago pa man naganap ang sinasabing drug smuggling.
Si PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo, Jr. ang officer-in-charge.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |