|
||||||||
|
||
Nag-usap Agosto 20, 2018 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia.
Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang magkatuwang na pangkooperasyon, umaasang pahihigpitin ng Tsina at Malaysia ang estratehikong pagpapalitan para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Ito aniya'y makakatulong sa kasiglaan ng Asya at kasaganaan ng daigdig.
Umaasa ang Pangulong Tsino na ibayong pasusulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Malaysia batay sa plataporma ng Belt and Road, at pahihigpitin ang kanilang pakikipagtulungan sa ikatlong panig sa kahabaan ng Belt and Road, para pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Mahathir na bilang puno ng bagong pamahalaan ng Malaysia, ang kanyang biyahe sa Tsina ay nagpapakitang matatag ang mapagkaibigang patakaran ng bansa sa Tsina. Sinabi niyang hinihintay ng Malaysia ang mas maraming pamumuhunan ng mga bahaykalakal na Tsino. Aniya pa, sumusuporta at lalahok ang Malaysia sa konstruksyon ng Belt and Raod, para pasulungin ang kasaganaang panrehiyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |