Nag-usap Agosto 20, 2018 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia, at magkasamang kinatagpo ng dalawang lider ang mga mamamahayag.
Ipinalalagay ng dalawang lider na matapat, pragmatiko at mabunga ang kanilang pag-uusap. Sinabi nilang ang ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at Malaysia ay hindi lamang angkop sa mithiin ng mga mamamayan, kundi maging sa target ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
Sinangayunan din ng dalawang lider na palalakasin ang partnership ng Tsina at Malaysia sa kalakalan, pamumuhunan, pagtutulungan ng industriya, at paglaki ng kabuhayan sa pamamagitan ng inobasyon para maisakatuparan ang kanilang win-win situation, at bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan.