Nag-usap Agosto 20, 2018 sa Beijing sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia.
Ipinahayag ni Li na ang Tsina at Malaysia ay estratehikong magkatuwang na pangkooperasyon na may matatag na pagtitiwalaan at win-win situation. Positibo aniya ang Tsina sa suportang ibinibigay ng Malaysia sa konstruksyon ng Belt and Road. Nakahanda aniya ang NPC na pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Parliamento ng Malaysia para bigyan ng suportang pambatas ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Mahathir na magsisikap ang Malaysia para ibayong pasulungan ang pakikipagtulungan sa Tsina.