|
||||||||
|
||
SA laki ng bentahan sa mga mall, fast food at iba pang kainan ang nagpapakita na mas maraming salaping magagasta ang mga mamamayan dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN na nagdagdag na salapi sa mga bulsa ng mamimili mula ng ipatupad ito noong nakalipas na Enero.
Ayon kay Finance Asst. Secretary Antonio Lambino, ang malalaking retailer at fast food chain tulad ng Robinsons Retail Holdings, Philippine Seven Corporation, Puregold Price Club at Max's ang nagbalita na tumaas ang kanilang benta sa pagbabawas ng pe3rsonal income tax rates na pinakinabangan ng 99 na porsiyento ng lahat ng taxpayer.
Sa pagpapatupad ng TRAIN, nagkaroon ng P 12 bilyong dagdag na income sa mga taxpayer na karamihan ay compensation earners.
Ang Robinsons Retail Holdings ay nagbalita ng dagdag na 9.6 percent sa kanilang tubo sa ikalawang tatlong buwan ng taon at tumaas ang benta ng 13.5 percent sa halagang P 31.5 bilyon.
Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, ang kanilang kinita ay dahil sa dagdag na take-home pay ng consumer sa ilalim ng TRAIN kaya't lumago ang kanilang kita mula noong Abril hanggang Hunyo ng taong ito.
Ang kumpanyang nasa likod ng 7-11 convenience stores ay lumago rin ang kita ng may P342 milyon at tumaas ng 18.9 percent mula sa P288 milyong kinita noong nakalipas na tatlong buwan ng 2017.
Sa isang ulat ng Puregold Price Club, lumago ang net income nito ng 25.6 percent sa unang bahagi ng taong 2018 sa halagang P 3.08 bilyon. Ang net sales ay lumago rin ng may 13.2 percent at nakamtan ang P 64.03 bilyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |