Ipinadala ngayong araw, Martes, ika-28 ng Agosto 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa High-Level Conference on Intellectual Property for Countries along the "Belt and Road" na binuksan din sa araw na ito sa Beijing.
Sinabi ni Xi, na ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay malawakang kinikilala at aktibong nilalahukan ng maraming bansa at komunidad ng daigdig, at natamo na nito ang masaganang bunga.
Dagdag ni Xi, mahalaga ang sistema ng Intellectual Property para sa konstruksyon ng Belt and Road. Binigyang-diin niyang buong tatag at buong higpit na pangangalagaan ng Tsina ang Intellectual Property. Umaasa rin aniya siyang, magkakasamang pasusulungin ng iba't ibang panig ang mas mabisang pangangalaga at paggamit ng Intellectual Property, para palakasin ang inobasyon sa konstruksyon ng Belt and Road.
Salin: Liu Kai