Kinatagpo Agosto 28, 2018 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Francis Gurry, Direktor Heneral ng World Intellectual Property Organization (WIPO).
Tinukoy ni Premyer Li na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, ang kabuhayan ng Tsina ay nasa masusing yugto ng ibayong pag-unlad. Aniya, ibayong pahihigpitin at pabubutihin ng Tsina ang sistema ng intellectual property at katugong regulasyon para pasulungin ang pambansang kabuhayan.
Binigyang diin ni Li na bilang tagasunod ng multilateralismo, patuloy na palalakasin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa WIPO para ibayong pasulungin ang pangangasiwa sa intellectual property ng daigdig. Ipinahayag naman ni Gurry na nitong 40 taong nakalipas, naitatag na ng Tsina ang mataas na lebel na sistema sa pangangalaga sa intellectual property, at ito ay nagsisilbing puwersa sa pagpapasulong ng inobasyon at kaunlarang pangkabuhayan. Aniya, nakahandang palalimin ng WIPO ang pakikipagtulungan sa Tsina para magkasamang pangalagaan ang multilateralismo at harapin ang ibat-ibang hamon.