ISA ang nasawi sa pagsabog ng isang improvised explosive device kagabi bago sumapit ang ika-siyam sa Barangay Kalawag, Isulan, Sultan Kudarat province. Inilagay umano ang pampasabog sa isang motorsiklo.
Bukod sa isang nasawi, may 37 iba pa ang isinugod sa pagamutan, dalawa sa kanila ang nasa malubang kalagayan. Wala pang grupong nagsasabing sila ang nasa likod ng pagpapasabog. Magugunitang karaniwang ginagamit ng mga nangingikil na sindikato ang improvised explosive device upang magkamit ng salapi mula sa mga negosyante at mayr-ari ng mga sasakyang pangpubliko.