|
||||||||
|
||
SINABI ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol na walang katotohanan ang kumakalat na balitang kulang ang bigas sa Pilipinas. Sa kanyang pagharap sa mga tagapagbalita sa House of Representatives kanina, sinabi ni Secretary Piñol na tumaas ang presyo sapagkat mayroong mga nag-aakalang kumita ng malaki kung iipitin ang supply ng bigas sa bansa.
Nagkataon lang na nasabayan ng pagkawala ng bigas mula sa National Food Authority sapagkat hindi kaagad dumating ang mga inangkat na bigas.
Gaganda umano ang situwasyon sa darating na Nobyembre sa pagsisimula ng anihan ng palay sa mga sakahan.
Niliwanag din niyang imingukahi niya ang pagkakaroon ng rice – trading post sa Mindanao upang makakolekta ng bayarin sa Customs sa mga inangkat na bigas na mayroong pahintulot mula sa National Food Authority.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi naman ni Pangulong Duterte kahapon ng hapon na wala siyang balak na patalsikin sa puwesto si Secretary Piñol sa likod ng mga panawagang sibakin na ang kalihim.
Niliwanag ng pangulo na mayroong mga batas na hindi maipatupad kaya't kailangang baguhin o ayusin ang mga ito at hindi naman mangangailangang magpatalsik ng mga kawani ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |