Dumating ngayong hapon, local time, Martes, ika-11 ng Setyembre 2018, ng Vladivostok, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, dadalo siya sa Ika-4 na Eastern Economic Forum, na idaraos doon.
Sa biyaheng ito, makikipagtagpo rin si Xi sa Pangulong Ruso, at lider ng mga iba pang bansa, na kalahok sa porum.
Bubuksan ngayong araw ang Ika-4 na Eastern Economic Forum, at tatagal ng dalawang araw. Ang tema ng porum ay "Far East, Mas Maraming Pagkakataon."
Salin: Liu Kai