|
||||||||
|
||
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghahanap na siya ng kapalit ni Administrator Jason Aquino ng National Food Authority. Sa isang one-on-one interview ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Pangulong Duterte sa People's Television Network, sinabi ng pangulo na humiling na ng kapalit si Administrator Aquino, isang retiradong Lt. Colonel sa Armed Forces of the Philippines.
Ang one-on-one interview ang ipinalit sa press conference na nakatakda sanang gawin sa ganap na ikatlo ng hapon. Kinansela ng Palasyo ang press briefing wala ng isang oras bago ang takdang panahon at papasok na sa Palasyo ang mga kinatawan ng iba't ibang media.
Magugunitang hiniling na ng mga senador at kongresista na magbitiw na si Aquini sa likod ng pagtaas ng presyo ng bigas at pagkawala ng supply mula sa National Food Authority.
Tumaas ang presyo ng commercial rice mula sa P 42 hanggang P 70 bawat kilo. Ang National Food Authority ay nagbibili ng bigas sa halagang P 27 hanggang P 32 bawat kilo subalit nawala naman ang supply.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |