IKINALULUGOD ng Department of Foreign Affairs na wala pa silang natatanggap na balitang may mga Filipinong naapektuhan ng malakas na bagyong Manghkut sa Guam at Northern Mariana Islands.
Magugunitang nagdulot ng pinsala ang malakas na bagyo sa Guam at sa Northern Mariana Islands. Mayroong 43,000 mga Filipino sa Guam samantalang mayroong 20,000 iba pa sa Northern Mariana Islands.
Ayon kay Philippine Consul Generfal Marciano R. de Borja, may ugnayan ang kanyang tanggapan sa Agana sa mga samahan ng mga Filipino sa Guam at sa Northern Mariana Islands. Nanalasa ang bagyong Mangkhut sa Rota Island sa hilagang Mariana. Nadama rin ang sama ng panahon sa hilagang bahagi ng Guam, partikular sa Dededo at Tamuning. Sa Dededo matatagpuan ang maraming mga Filipino samantalang nasa Tamuning naman ang consulado ng Pilipinas.