|
||||||||
|
||
Vladivostok, Rusya--Nagtagpo sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa sidelines ng idinaraos na Eastern Economic Forum (EEF). Nangako ang dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Ruso sa kabila ng pagbabagong pandaigdig.
Nakahanda rin silang palalimin ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng dalawang bansa hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI) at Eurasian Economic Union (EEU); palawakin ang kooperasyon sa enerhiya, agrikultura, pinansya, kalawakan, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, e-commerce, pagpapalitan ng mga tao, at iba pa; patuparin ang mga pangunahing proyekto; at pasiglahin ang pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal.
Nagkaisa rin ang dalawang lider na palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, at tutulan ang unilateralismo para mapangalagaan ang kaayusang pandaigdig at maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Pagkatapos ng pagtatagpo, tumayong-saksi ang dalawang pangulo sa paglalagda ng serye ng bilateral na dokumentong pangkooperasyon at magkasamang humarap sa mga mamamahayag.
Dumalo rin nang araw ring iyon sina Xi at Putin sa roundtable meeting hinggil sa kooperasyong panrehiyon ng dalawang bansa.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |