|
||||||||
|
||
SAMPUNG punongbayan ang ipagsusumbong sapagkat wala sila sa kanilang mga bayan noong maganap ang bagyong "Ompong."
Hindi kinilala ang mga alcalde subalit sinabing ang mga kakasuhan ay mula sa Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region.
Ayon kay DILG Undersecretary Bernardo Florece, nagulat sila sa balitang natanggap na mayroong absentee mayors kahit pa daraanan ng bagyo ang kanilang mga nasasakupan. Posibleng masuspinde o mapatalsik sa kanilang puesto kung mapapatunayang totoo ang mga balitang lumabas.
Ayon naman sa tagapagsalita ng DILG na si Asst. Secretary Jonathan Malaya, dadaan sa tamang proseso ang mga akusado. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga halal na opisyal ng bayan ayon sa Local Government Code of 1991.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |