Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Golden Age of Infrastructure" nasa Pilipinas na

(GMT+08:00) 2018-09-19 11:22:23       CRI

SINABI ng mga opisyal ng pamahalaang malaki ang magagawa ng mga pagawaing-bayan ng Pilipinas. Ito ang buod ng Philippine Economic Briefing sa idinaos sa Assembly Hall ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa ekonomiya at mga proyekto. Dinaluhan ito ng may 350 mga panauhin mula sa iba't ibang mga bangko at financial institutions.

Nanguna sa kanilang pagtatanghal sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, Budget Secretary Benjamin E. Diokno at BSP Deputy Governor Diwa Guninigundo.

Naniniwala ang economic managers na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas dahilan sa pamamalakad at mahahalagang pagbabagong ipinatutupad.

Sa monetary at financial sector, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang digitization ng financial transactions, liberalization ng foreign exchange at pagpapasigla ng domestic capital market ang binigyang pansin.

Samantala, sinabi ni Secretary Diokno na ang pagbabago sa cash-based budgeting system ang siyang magpapabilis sa mga programa ngpamahalaan. Sa mga palatuntunang ito, higit na matatawag ang pansin ng investors. Mahalaga rin umano ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN, ang Ease of Doing Business Act, ang Bangsamoro Organic Law, ang National ID System at maging ang Personal Property Security Law.

Nagulat din ang mga nasa larangan ng transportasyon, pagawaing-bayan at maging ang Bases Conversion and Development Authority sa Build, Build, Build program.

Itinampok ang daangbakal, laiparan at maging inter0island conncector roads, expressways at development para sa aleternative growth hubs tulad ng New Clark City sa hilaga ng Metro Manila.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>