Noong ika-19 ng Setyembre, 2018, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nanawagan ang Amerika para sa diyalogo habang nagpapataw ng sangsyon, at ito ay "isa nang lumang tugtugin."
Noong ika-18 ng Setyembre, ipinatalastas ng Amerika ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsinong nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Sinabi ni Wilbur Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika handa ang kanyang bansa na magkaroon ng konstruktibong talastasan sa Tsina. Tungkol naman sa kung kalian gaganapin ang nasabing talastasan; ito aniya ay nasa desisyon ng Tsina.
Bilang tugon sa nasabing pananalita, sinabi ni Geng na hindi ito ang unang beses na binanggit ng Amerika ang "ganitong pananalita." Aniya, ang katotohanan ay, muli't muling ipinataw ng Amerika ang mga hakbangin ng sangsyon bago o pagkaraan ng diyalogo.
salin:Lele