Kinatagpo Setyembre 19, 2018 dito sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Qamar Javed Bajwa, Army Chief of Staff ng Pakistan.
Sinabi ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa. Aniya, dapat ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon para magbigay-dagok sa terorismo upang maigarantiya ang kaligtasan ng konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor. Ito aniya ay para sa komong interes at komong pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Bajwa na matatag na kumakatig ang Pakistan sa Belt and Road Initiative. Pinasalamatan din niya ang pagkatig ng Tsina sa kanyang bansa. Aniya, kasama ng Tsina, nakahanda ang Pakistan na palalimin ang pag-uugnay ng mga estratehiya, at pragmatikong pagpapalitan at kooperasyon hinggil sa paglaban sa terorismo ng mga hukbo ng kapuwa panig.
salin:Lele