|
||||||||
|
||
Sa pahayag na inilabas nitong Sabado, Setyembre 22, 2018, ni Imran Khan, Punong Ministro ng Pakistan, sinabi niya na nagiging negatibo ang pagkansela ng India sa pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa na nakatakda sanang ganapin sa New York.
Noong Setyembre 20, kinumpirma ng mga Ministring Panlabas ng India at Pakistan na magkakaroon ng pagtatagpo ang dalawang ministrong panlabas sa kanilang pagdalo sa pangkalahatang asemblea ng United Nations (UN) sa katapusan ng kasalukuyang buwan. Ngunit, unilateral na kinansela ng India ang pagtatagpong ito. Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Pakistan ang "lubos na pagkadismaya" sa kapasiyahan ng India. Sinabi ni Khan na ang unilateral na pagkansela ng India sa nasabing pagtatagpo ay muling nakawala ng pagkakataon upang pabutihin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at panumbalikin ang mapayapang pag-unlad sa rehiyong ito.
Sinabi ni Raveesh Kumar, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng India, na pinatay ng panig Pakistani ang tatlong Indian police sa rehiyong Kashmir-Jammu, at isinapubliko nito ang isang serye ng selyong may imahe ng armadong tauhan sa Kashmir. Makaraang maganap ang nasabing dalawang insidente, ipinalalagay ng India na walang anumang katuturan ang pagtatagpo sa Pakistan, aniya pa.
Bilang tugon, ipinahayag ni Tagapagsalita Mohammad Faisal ng Ministring Panlabas ng Pakistan na hindi nakakukumbinsi ang ibinigay na katwiran ng panig Indyano. Iimbestigahan aniya ng panig Pakistani ang katotohanan sa mga kaukulang insidente.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |