|
||||||||
|
||
BAHAGI NG MGA NAGPROTESTA. Makikita sa larawan ang mga pari, madre at religioso na nagsama-sama sa Intramuros patungo sa Rizal Park. Pinangunahan ni Bp. Deogracias Iniguez ang grupong ito. (Larawan ni Roy Lagarde/CBCP News)
NAGSAMA-SAMA ang mga nagprotesta at nagmartsa patungo sa Rizal Park upang gunitain ang lagim na idinulot ng Batas Militar na ideneklara ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong 1972 o 46 na taon na ang nakakaraan.
May mga dalang banner at nagmartsa sa tugtog ng Voltes 5, isang palabas sa telebisyon na ipinagbawal ni G. Marcos dahil sa kakaibang tema nito, ang pakikibaka.
Nagsama-sama ang mga mag-aaral, mga guro, mga pari, madre at seminarista at mga manggagwawa ang lumahok sa pagtitipong sumisigaw ng "Never Again to Martial Law." May mga nakasulat pa sa kanilang banner na kumukondena sa historical revisionism.
May tumawag din kay Pangulong Duterte na isang diktador at pasista. May mga banner ding nananawagang patalsikin na ang pangulo ng bansa.
May barikada ang mga pulis upang paghiwalayin ang mga pabor at kontra sa Duterte Administration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |