|
||||||||
|
||
PATULOY na tumaas ang bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa kahapon ng umaga sa Lungsod ng Naga sa Cebu. Umabot na sa 29 na bangkay ang nababawi sa gumuhong lupa hanggang kaninang halos ikatlo ng hapon.
Nasa ikalawang araw na ng search and rescue operations sa nalibing na mga tahanan sa Barangay Tinaan kahapon ng ika-anim ng umaga. May walong nailigtas hanggang kagabi.
Ang pinakahuling nailigtas ay ang 12-taong gulang na babae na sinasabing tanging nakaligtas sa kanyang pamilya.
May isa pa umanong nakapagpadala ng text message na nagsasabing nasa ilalim siya ng mga bato at putik.
Ani Baltazar Tribunalo, pinuno ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, may 200 silang tumugon sa emergency at may mga heavy equipment at mga sinanay na aso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |