|
||||||||
|
||
IBINALITA ng Department of Public Works and Highways na may 11 road sections sa Luzon ang 'di madaanan dahil sa paguho ng lupa, nalugsong mga lansangan, napinsalang tulay at pagbaha.
Siyam na lansangan ang sarado sa Cordillera Administrative Region at may dalawa naman sa Central Luzon.
Hindi pa rin madaanan ang Kennon Road. Sarado pa rin ang Baguio-Bontoc Road sa Busa at sa Sabangan. Sarado pa rin ang Baguio-Bua-Itogon Road sa bayan mismo ng Itogon at sa Barangay Ucab. Sarado rin ang Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road at maging ang Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road.
Hindi pa rin madaraanan ang Abra-Ilocos Norte Road sa Danglas, Abra, ang Apayao-Ilocos Norte Road at maging ang Mt. Province Boundary-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road at Mabingis Bridge sa Kalinga at ang Palbalan-Pinukpuk Road.
May problema pa rin ang Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road dahil sa Bomba Bridge at maging ang Candaba-San Miguel Road.
Aabot ang pinsala sa mga lansangan, tulad, flood-control structures at public buildings ay aabot na sa P2.74 bilyon. May P 1 bilyon ang pinsala sa Region 1, P 889 milyon sa Cordillera Administrative Region, samantalag umabot sa P 656 milyon ang pinsala sa Cagayan Valley, P 157 milyon sa Region III o Central Luzon. May P 20 milyon ang pinsala sa Bicol Region.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |